Trak drayber na sangkot sa karambola sa QC, ipinatawag ng LTO

Trak drayber na sangkot sa karambola sa QC, ipinatawag ng LTO

October 3, 2022 @ 4:52 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Isang show cause order ang inilabas ng Land Transportation Office (LTO) laban sa drayber ng trak na nasangkot sa karambola ng mga sasakyan sa Katipunan Avenue sa Quezon City.

Inatasan ng LTO Intelligence and Investigation Division (IID) ang drayber na humarap sa Law Enforcement and Traffic Adjudication Service (LETAS) sa LTO Central Office sa Quezon City sa Oktubre 4, dakong 2:00 ng hapon.

Pinagsusumite rin ng LTO ang nasabing drayber ng paliwanag kung bakit hindi siya dapat masampahan ng mga kasong administratibo tulad ng reckless driving sa ilalim ng Section 48 ng Republic Act 4136, at Driving While Under the Influence of Dangerous Drugs and/or Similar Substances sa ilalim ng Section 5 ng Republic Act 10586, at kung bakit hindi dapat mabawi o masuspindi ang kanyang lisensya sa pagmamaneho at madeklarang Improper Person to Operate a Motor Vehicle na pinarurusahan sa ilalim ng Section 27(a) ng Republic Act 4136.

Sakaling hindi siya sumipot sa IID at mabigong magsumite ng liham ng paliwanag, nangangahulugan ito na kanyang isinusuko ang karapatan na mailahad ang panig at magdedesisyon ang ahensya batay sa mga naiprisintang ebidensya.

Sa ulat ng Quezon City Police District (QCPD) Traffic Sector 3, minamaneho ng dryaber ng trak nito sa kahabaan ng Katipunan flyover sa Barangay Escopa 3 sa Quezon City nuong Setyembre 27 nang umano’y mawalan ng kontrol sa sasasakyan na nagresulta sa salpukan ng ilang sasakyan na ikinasugat ng ilang indibidwal at pagbigat ng daloy ng trapiko.

“These kinds of accidents create further anxiety and worries among our motorists regarding the safety of our roads. That is why the LTO continues to intensify its anti-drunk and drugged driving campaign efforts among private vehicles and public utility vehicles to weed out these drivers from our roads for the safety of other motorists and even pedestrians,” giit ni LTO chief Assistant Secretary Teofilo Guadiz III. Jan Sinocruz