Trak nahulog sa bumigay na tulay sa Laguna; 4 sugatan

Trak nahulog sa bumigay na tulay sa Laguna; 4 sugatan

January 29, 2022 @ 1:53 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Sugatan ang apat na indibidwal na lulan ng12-wheeler truck makaraang malaglag sa ilog.

Ito ay nang  gumuho ang tulay sa Majayjay, Laguna ngayong Sabado, Enero 29.

Ayon kay Laguna Provincial Police Office director Police Colonel Rogart Campo, galing ang 12-wheeler truck sa Bacolor, Pampanga at may kargang buhangin nang gumuho ang tulay na bakal.

Nalaglag ang trak sa taas na 80 talampakan.

Lahad ng lokal na pamahalaan, posibleng gumuho ang tulay dahil sa bigat ng kanilang laman.

Sa ngayon ay ginagamot na ang mga nasugatan sa insidente. RNT/FGDC