TRANSGENDER BINITAY SA PAGPATAY SA EX-GF

TRANSGENDER BINITAY SA PAGPATAY SA EX-GF

January 5, 2023 @ 1:40 PM 4 weeks ago


BINITAY kamakalawa ang transgender na nang-rape at pumatay sa kanyang ex-girlfriend.

Lethal Injection o pagtuturok ng lason ang ipinambitay kay Amber McLaughlin, 49, sa kulungan sa Bonne Terre, Missouri.

Napatunayan siyang nagkasala ng Korte Suprema ng Missouri sa pag-rape at pagpatay kay Beverly Guenther noong 2003.

Si McLaughin ang unang binitay sa United States sa taong ito at unang miyembro ng lesbian, gay, bisexual, transgender, queer plus.

Kabilang ang Missouri sa 29 estado ng US na nagpapataw ng parusang bitay gaya ng Alabama, Arizona, Arkansas, California, Colorado, Florida, Georgia, Idaho, Indiana, Kansas, Kentucky, Louisiana, Mississippi, Missouri, Montana, Nebraska, Nevada, North Carolina, Ohio, Oklahoma, Oregon, Pennsylvania, South Carolina, South Dakota, Tennessee, Texas, Utah, Virginia at Wyoming.

Bukod sa mga ito, nambibitay mismo ang Federal Government ng US at may 62 na nakasalang sa parusang ito makaraang silang mapatunayang nagkasala.

MALUPIT NA PAGPATAY

Ayon sa mga ulat, ginahasa at ni-rape ni McLaughin si Guenther bago ito naging transgender.

Ito’y makaraang sundan nito ang biktimang pumasok sa trabaho.

Makaraang halayin at pagsasaksakin ng kitchen knife ang biktima, itinapon nito ang bangkay ng huli sa Mississippi River.

Ganyan kalupit ang krimen ng binitay sa kanyang dating kasintahan.

SERMON NG PARI

Nitong nakaraang mga Simbang Gabi, may mga pari na laman ang sermon ng pagkondena sa bitay bilang parusa sa mga may nagagawang krimeng mabibigat.

Si Jesus na ipinanganak bilang tao kasi umano ang nagdala ng buhay ng lahat sa balat ng lupa.

Kaya ang sinomang kikitil ng buhay, taliwas umano ang kaisipan at gawain nito sa mensahe ng pagparito ni Jesus.

Ewan lang natin kung naniniwala nang buo ang mga nagsisimba.

Kasi naman, noong kasagsagan ng patayan sa droga, marami sa mga ito ang pagpatay at pag-rape, iyon at iyon na rin ang sinasabi ng mga pari, obispo at kardinal.

Ngunit todo reklamo ang mga pari, obispo at kardinal nang walang sumusunod sa kanila na mga parishioner sa kanilang mga rali laban sa mga kabi-kabilang patayan sa droga.

Ano naman kaya ang masasabi ng mga ito, kasama ang mga human rights group, sa pagbitay kay McLaughin?

MAIGSING ISTORYA NG PARUSANG BITAY

Mula sa panahon ng mga Kastila na protektado ng mga prayle at kardinal hanggang sa pinaalis sila ng rebolusyon nina Gat Andres Bonifacio at pagbebenta ng mga Kastila ng Pilipinas sa US noong 1898, uso ang pambibitay ng mga magkakasabwat na prayle, kardinal at opisyal ng pamahalaan Kastila.

Kasa sa mga binitay nila ang tatlong paring sina Gomez, Burgos at Zamora at mismong si Gat Jose Rizal.

Sa panahon natin, nagkaroon ng batas sa parusang bitay sa bisa ng Republic Act 7659 noong 1993 at inamyendahan ito ng RA 8177 noong 1996 para lethal injection o pagtuturok ng lason ang paraan ng pagbitay ngunit binuwag ang parusa sa bisa ng RA 9346 noong 2006.

Paano kaya kung muling buhayin ang parusang bitay laban sa mga gumagawa ng mga karumal-dumal na krimen sa Pinas?