Transgender na guro patay sa P100K; 4 suspek arestado

Transgender na guro patay sa P100K; 4 suspek arestado

October 1, 2022 @ 2:10 PM 2 months ago


ABRA- Arestado ang apat na suspek matapos tambangan at pagbabarilin ang isang guro kaalit ng P100,000 nitong Miyerkules sa bayan ng Bangued.

Kinilala ang mga nadakip na suspek na sina Rommel Paa, gunman, Sonny Boy Tullas, Abelardo Talape, at Aldrin Alagao.

Agad naman nasawi sanhi ng mga tama ng bala sa katawan ang biktimang si Rudy-Steward Dugmam Sayen, 38, miyembro ng LGBTQ- Abra, ng Barangay Zone 4, Bangued.

Sa imbestigasyon ng pulisya, papasok na sana sa eskwelahan ang biktima ng tambangan ng mga suspek na nakamotorsiklo at pinagbabaril.

Ayon kay Police Colonel Maly Cula, Director-Abra Police Provincial Office, natunton ang mga suspek dahil sa mga kuha ng CCTV sa lugar ng nagresulta sa pagkakadakip sa mga ito.

Kwento ng mga suspek, napag-utusan lamang sila ng kamag-anak na biktima patayin ito katumbas ng halagang P100,000.

Sa ngayon hindi pa pinangalanan ng pulisya ang kamag-anak na utak sa krimen na ang tanging motibo ay dahil sa away-lupa na minimina.

“Ang lupa na ‘yon ay pag-aari ng pamilya, na allegedly minimina nitong mastermind yung lupa na pinapatigil ng biktima na ikinagalit ng tinatawag nating mastermind,” ani Cula.

Sinampahan na ng kasong murder ang mga suspek kabilang ang mastermind. Mary Anne Sapico