Transisyon ng DMW tinalakay nina Bello, Ople

Transisyon ng DMW tinalakay nina Bello, Ople

June 3, 2022 @ 5:15 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- May ilang incoming at outgoing officials ng gobyerno partikular na ang mula sa overseas employment sector ang nagkita-kita na para sa transisyon ng tanggapan.

Sa katunayan, ayon kay Philippine Overseas Employment Administration (POEA) chief Bernard Olalia ay pinag-usapan na nina newly-appointed Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Susan Ople at Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III ang ilang detalye ng transisyon.

Idinagdag pa nito na nakipagkita rin sila sa bagong DMW head kaugnay sa operasyon ng bagong departamento.

“The incoming Secretary Toots Ople has already met with Secretary Bello. They have already talked and there has been a sharing of information on what will be done in this transition,” ayon kay Olalia sa Laging Handa public briefing.

“We at POEA, we have also talked to the incoming secretary and we have shared what we are already doing for DMW and the next steps to make DMW fully operational,” dagdag na pahayag nito.

Sinabi pa nito na inaasahan naman na makikipagkita si Ople sa iba pang miyembro ng transition committee gaya ng sa Office of the Undersecretary for Migrant Workers Affairs, National Maritime Polytechnic, International Labor Affairs Bureau, Department of Social Welfare and Development, at POEA.

“So far, the transition committee is working on the staffing pattern. The organizational structure, (and) offices, especially regional offices, are already being formed. Not only the central office in Ortigas has offices, but also regional and provincial offices,” ayon kay Olalia.

“Its purpose is to bring the service closer to the OFWs so that they do not have to suffer and avoid becoming victims of illegal recruitment,” aniya pa rin.

Ang POEA at Overseas Workers Welfare Administration at iba pang attached agencies ay sasailalim sa DMW sa oras na ito’y “fully constituted.”

NIlagdaan naman ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Republic Act 11641, o mas kilala bilang “An Act Creating the Department of Migrant Workers” noong Disyembre 2021. Kris Jose