Transition plan para sa susunod na kalihim ng DOH, plantsado na

Transition plan para sa susunod na kalihim ng DOH, plantsado na

June 29, 2022 @ 4:12 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Handa na ang transition plan ng Department of Health para sa magiging bago nitong kalihim sa ilalim ng administrasyong Marcos.

Ayon sa ahensya, hinihintay na lamang nila ang abiso ng Office of the Executive Secretary para sa gagawing transition.

Sa ngayon ay walang pinapangalanan si President-elect Ferdinand Marcos Jr., na susunod na kalihim ng DOH.

“Nakagawa na po kami ng transition plan, meron na po kaming listahan at briefers na iiendorso sa bagong Secretary of Health ‘pag siya po ay nag-assume ng position,” saad ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

“So need not worry, but of course, it would also be advantageous to all of us kung makikilala namin siya at makakausap bago ang July 1. If in any case, we’re here, prepared to support the new secretary pag nag-assume na po siya ng position.”

Sinang-ayunan naman ni Vergeire ang pahayag kamakailan ni Health Secretary Francisco Duque III na dapat ay may karanasan sa pagtugon sa COVID-19 pandemic ang susunod na kalihim ng ahensya.

“Malaking bahagi pa rin ng priorities natin ang pagsugpo at pagpapatuloy ng response natin sa COVID-19,” aniya.

“Aside from COVID-19, ang dami pa ho nating public health issues na kailangang harapin.” RNT/ JCM