‘Transparency, accountability’ sa pamahalaan, hirit ni Andanar

‘Transparency, accountability’ sa pamahalaan, hirit ni Andanar

June 21, 2022 @ 6:00 PM 1 week ago


MANILA, Philippines- Dapat umanong makita sa mga polisiya ng gobyerno ang “transparency and accountability”, ayon kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar nitong Martes.

“A new chapter for the country is ahead of us, and as we draw nearer to this term’s end, I enjoin everyone to continue to enliven the spirit of democracy beyond this administration,” pahayag ni Andanar.

“Let us make sure that transparency and accountability remain at the heart of all government transactions,” dagdag niya.

Binanggit din ng opisyal ang pagpapalakas ng pakikipag-ugnayan sa media bilang isa sa mga inisyatiba ng kanyang opisina.

“Our Laging Handa crisis communication efforts which was aligned with our campaign to public safety messaging and public service announcements amid the pandemic and other challenges faced by the country, was openly disseminated by the MPC and our partner media at the Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP),” aniya.

“Throughout the six-year term of the Duterte administration, the MPC has been part of delivering impactful information and key messages from the Palace and the President himself. You have been part of building the nation and shaping our history, expanding the access of information to every corner of the Philippines,” dagdag ni Andanar.

Bagama’t inilahad ni Andanar na kailangan ng transparency at accountability, simula 2019 ay hindi ipinasilip ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang Statement of Assets, Liabilities and Net worth (SALN).

Matatandaang sinabi ni presidential spokesperson Harry Roque noong Agosto ng nakaraang taon na ang Ombudsman ang may hawak ng desisyon sa paglalabas ng SALN ng Pangulo. RNT/SA