Transpo issues sa muling pag-arangkada ng F2F classes tatalakayin ng DepEd, kaukulang mga ahensya

Transpo issues sa muling pag-arangkada ng F2F classes tatalakayin ng DepEd, kaukulang mga ahensya

July 13, 2022 @ 11:00 AM 1 month ago


MANILA, Philippines- Makikipagpulong ang Department of Education (DepEd) sa mga ahensya upang talakayin ang mga isyu sa transportasyon sa implementasyon ng 100% face-to-face classes sa Nobyembre, ayon sa opisyal nitong Miyerkules.

“Kahapon po, yung aming chief of staff, si Usec. Epimaco Densing, ay nagbigay po ng pahayag na magkakaroon po ng pagpupulong sa mga ahensya na may kinalaman para maibsan yung isyu na nabanggit ninyo. So tingnan natin kung ano ang mangyayari sa pagpupulong,” ani DepEd Undersecretary Toni Umali.

Ito ang tugon ni Umali sa tanong ukol sa koordinasyon ng DepEdsa ibang ahensya ukol sa transportasyon na maaaring makaapekto sa mga estudyante at guro sa pagsisimula ng face-to-face classes.

Ilang transport groups ang nanawagan nitong Martes na ibalik ang mga orihinal na ruta na naka-assign sa public utility jeepneys kasunod ng anunsyo sa 100% in-person classes. RNT/SA