Transport group sa LTFRB: Automatic fare adjustment sa gitna oil price hike, aralin

Transport group sa LTFRB: Automatic fare adjustment sa gitna oil price hike, aralin

December 21, 2022 @ 11:24 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Nanawagan ang isang transport group nitong Miyerkules sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na pag-aralan ang automatic fare adjustment sa gitna ng taas-presyo ng petrolyo.

Iginiit ni Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines (FEJODAP) national president Boy Rebaño sa LTFRB na dapat ibase nito ang kanilang desisyon sa ilalim ng sarili nitong Memorandum Circular No. 2019-035.

“Baka sakali po kung sakaling mapag-aaralan po nila ay sila po dapat magdesisyon kung paano po magkakaroon ng adjustment sa pamasahe,” aniya.

Sa ilalim ng memorandum na inilabas noong 2019, nakasaad ang sumusunod na mga salik na dapat isaalang-alang sa formula ng pamasahe:

  • Ang official report ng Department of Energy sa fuel prices;

  • total operating at maintenance costs base sa sarbey, pag-aaral, at imbestigasyon na ikinasa ng LTFRB kasama ang operators, drivers, at iba pa sa land transportation service; at

  • ang base fare bago ang gagawing adjustments

Ang formula naman ay magiging: Fare Adjustment = Fare base (1+[Fuel Price] [Fuel Cost Share in Total Operation and Maintenance]). RNT