Transport group: ‘We would accept another increase, but not that high’

Transport group: ‘We would accept another increase, but not that high’

August 30, 2022 @ 2:38 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Sinabi ng commuters’ group nitong Martes na payag ito ang panibagong jeepney fare hike alinsunod sa desisyon ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Ayon sa LTFRB, nakatakda nitong aprubahan ang pending fare hike petition dahil nauunawaan umano nito ang pagkadismaya ng mga driver ng jeep at mga operator sa gitna ng pagtaas ng presyo ng langis.

Inihirit ng transport groups sa regulatory board na taasan ang minimum fare sa ₱15 mula sa ₱11 para sa traditional jeepneys. Ayon sa ahensya, target nitong ipalabas ang eksaktong halaga sa susunod na linggo.

“They are due talaga na for increase. Kasi the last time we had the fare rate increase ang level pa lang ng diesel noon ay ₱44 per liter,” ani LTFRB chairperson Cheloy Garafil nitong Lunes. “Just the question of kung magkano ang maibibigay namin na hindi naman siya magkakaroon ng impact sa inflation at siyempre ‘yung effect niyan sa ating commuters.”

Subalit ayon kay National Center for Commuter Safety and Protection chairperson Elvira Medina na suportado lamang nila ang ₱2 fare increase.

“We would accept another increase, but not that high,” giit niya. “We agree of another ₱2 increase, that means that’s ₱13, not ₱15, because I think that is exorbitant on the part of an ordinary worker. That is very difficult for us to swallow that pill.”

Iginawad ng LTFRB angprovisional ₱2 fare hike nitong Hulyo upang tulungan ang jeepney drivers at operators sa gitna ng pagtaas ng presyo ng langis. RNT/SA