Transport innovations

Transport innovations

July 2, 2018 @ 7:48 PM 4 years ago


Sa kasaysayan ay isa sa pinaka-“game-chan­ger” na imbensyon ng tao ang gulong.

Bumilis at guminhawa ang paglalakbay ng tao mula nang maimbento ito.

Sa simula ay lakad o takbo lang at naisipan nga ng tao ang gulong.

At simula nga noon ay nagkaroon na ng mga transportasyon na gamit ang gulong.

Sa Pilipinas ay maraming transport innovation ang sinimulan ng Pinoy.

Ang iconic na jeepney na ginawang pamasada ay original na dating multi-purpose na mga “jitney” na iniwan ng mga sundalong Amerikano.

Noon ay tatluhan lang ang sakay ng jeep at nga­yon nga ay may mga 15 na pasahero na mag­kabilaan.

Ang tricycle rin ay imbento ng Pinoy.

Marami kasing lugar na hindi kayang pasukin ng four-wheeled vehicles kaya naimbento at nauso ang tricycles for short distance travels lalo sa mga subdivision na walang bumibiyaheng iba.

Ang Transport Network Service ay isa ring transport innovation na tila pinalaos ang mga lumang batas sa public transport.

At meron ding mga motorcycle-taxis na siya namang sagot sa napakabagal na andar ng mga sasakyan dahil naman sa traffic.

Of course ay nand­yan din ang mga train at iba pang modern mass transportation.

Ano pa kaya ang ma­aaring maimbento ng tao sa larangan ng transportasyon.

Sigurado ay meron pang iba sa pagtakbo ng panahon.

Kaya mahalaga ang role ng pamahalaan kung paano ire-regulate ang mga innovation para si­guruhin ang kaligtasan at kapakanan ng mga ma­nanakay.

Hindi pwede na huli lang nang huli at bawal lang nang bawal.

Kailangang makita ang socio-economic impact at ilan pang factors na pwedeng timplahin ng maayos na mga regulasyon. Passenger safety talaga ang priority.

Pero kung gagawin lang itong katwiran para ibawal ang isang innovation at hindi naman ka­yang maipatupad ng tama ay mas mainam na i-regulate talaga.

Gaano ba kadelikado ang kuryente noong una pang naimbento ito?

Marami ang tumutol sa kuryente na source of power noon dahil nakamamatay raw.

Kung hindi ito na-re­gulate nang maayos higit isang siglo na ang nakalilipas ay malamang ang buhay ng tao ay “dark ages” pa rin.

Dito kinakatok na natin ang pinto ng Kong­reso na iprayoridad na ang pagpasa ng makabago at angkop na mga transport law upang hu­mabol sa bilis ng pagbabago sa transport industry.

 SIBOL NI INTON