Transport strike binatikos ni VP Sara: Pahirap sa mga estudyante, guro!

Transport strike binatikos ni VP Sara: Pahirap sa mga estudyante, guro!

March 6, 2023 @ 3:10 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Binatikos ni Vice President Sara Duterte ang ikinasang isang linggong tigil-pasada na nagsimula nitong Lunes, Marso 6.

Ani Duterte, hindi man lang ikinonsidera ng mga nagsagawa ng transport strike, ang kapakanan ng mga guro at mga estudyante.

Para sa Bise Presidente, na siya ring umuupo bilang Education secretary, ang transport strike ay “painful interference in our efforts to address the learning gaps and other woes in our education system.”

“If you cannot understand our position, or refuse to understand our position, or even pretend not to understand our position, this is only because of your unbelievable propensity to push a hardline agenda that punishes the general public,” pahayag ni Duterte.

“This time, among the casualties are our learners and teachers. Kawawa ang mga estudyante at mga guro. The first failure of this transport strike is the failure to consider our learners and our teachers, dagdag niya.

Maliban dito, binatikos din ni Duterte ang grupong Piston na inilarawan niya bilang isang organisasyon na may mga “leaders and some members poisoned by the ideologies of the bankrupt Communist Party of the Philippines, the National Democratic Front of the Philippines, and the New People’s Army.”

“And happily cavorting with Piston and other militant organizations is ACT, a group that is diametrically nowhere near in the service of the interest of the learners and the education sector. This is not red-tagging. This is a statement of fact,” dagdag pa niya.

Nauna nang inakusahan ni PISTON national president Mody Floranda si Duterte sa paggamit sa red-tagging bilang depensa upang matigil na ang usapin tungkol sa mga gusot sa transportasyon ng bansa.

Aniya, ang layunin ng strike ay upang matawag ang pansin ng publiko kaugnay ng mga nararanasang hirap ng mga tsuper, operator at maging ng mga commuter.

Sa pahayag, sinabi ni Floranda na ang Pilipinas ay isa sa worst-performing countries sa panahon ng pandemya at kasama na dito ang pagbabalik-eskwela ng mga estudyante.

“Kasalanan ba namin kung Pilipinas ang isa sa mga pinakahuling nagbalik sa klase? Hindi kami ang sanhi ng interference sa pag-aaral ng mga bata,” aniya.

Nitong Linggo, Marso 5, hinimok ng ACT si Duterte na “take a broader perspective in analyzing and understanding the situation of teachers and learners,” kasabay ng umiiral na transport strike.

“Ultimately, she also has to realize who education recovery should serve. The relevance of education lies in its ability to provide solutions to the problems of the people,” anila.

“As such, it is especially important to make our students and teachers aware of the country’s situation to strengthen their empathy to the poor, and their resolve to contribute in improving the situation of the people,” pagtatapos ng grupo. RNT/JGC