Transport strike tinuloy ng ilang grupo

Transport strike tinuloy ng ilang grupo

March 7, 2023 @ 9:52 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Nagpatuloy ang ilang transport group sa ikalawang araw ng isang linggong transport strike noong Martes.

Kabilang sa mga nakikibahagi sa transport strike para iprotesta ang public utility vehicle (PUV) modernization program ng gobyerno ay ang mga miyembro ng Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operator Nationwide (PISTON) at Malayang Alyansa ng Bus Employees at Laborers (MANIBELA).

“‘Yung mga nagtigil-pasada kahapon, ganoon pa rin ngayon,” ani MANIBELA national president Mar Valbuena sa interbyu sa dzBB.

Samantala, ipinagpatuloy ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at local government units ang pagbibigay ng Libreng Sakay sa mga commuters nitong Martes. RNT