Traslacion 2022 pinasususpinde ni PRRD

Traslacion 2022 pinasususpinde ni PRRD

January 5, 2022 @ 7:50 AM 7 months ago


Manila, Philippines – Hinikayat ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang suspensyon ng mass gatherings, kabilang na ang tradisyonal na Traslacion at misa para sa Itim na Nazarene, dahil sa patuloy na tumataas na kaso ng COVID-19 infections sa bansa.

“Itong procession na ito, it’s a very important event for the Roman Catholic Church. Now, I have to appeal to them for their understanding and to really look at it in the broader context of our liability to the people if we do not act correctly,” ayon sa Pangulo sa kanyang Talk to the People, Martes ng gabi.

“Our job is really to come out with critical decisions to protect public health and public safety. Kung nakikinig ang Roman Catholic Church [If the Church is listening], I am now appealing to you to forego and cancel all physical gatherings including the procession and the celebration of mass sa church because marami yan sila.”

Hindi naman lingid sa kanyang kaalaman na milyong katao ang deboto ng Itim na Nazareno at hindi aniya dapat na maging kampante ang lahat sa transmission ng nasabing sakit.

“Sana maintindihan ako ng Roman Catholic na all gatherings are not allowed,” dagdag pa nito.

“Piliin po natin makilahok dito sa ating mga bahay na lamang upang maiwasan ang pagkahawa at pagpasa ng sakit.”

Inulit naman ng Chief Executive ang sentimyento ng Department of Health, na umapela ng supensyon ng taunang prosesyon ng Pista ng Itim an Nazarene.

“Dahil sa patuloy na pagtaas ng mga kaso nitong mga nakaraang araw, nanawagan po kami na isuspende muna ang mga mass gatherings kasama po dito ang darating na pagdiriwang ng Traslacion,” ayon kay Health Secretary Francisco Duque.

Tuwing ika-9 ng Enero, ipinagdiriwang ng mga deboto ang Pista ng Itim na Nazareno sa Quiapo, Maynila. Dinudumog ng mga tao ang patron ng Quiapo, ang Nuestro Padre Nazareno. Kris Jose