Traslacion sa 2024, depende sa COVID situation

Traslacion sa 2024, depende sa COVID situation

January 11, 2023 @ 5:20 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Nakadepende umano ang Simbahan ng Quiapo sa kanilang mga hakbang sa estado o kalagayan ng COVID-19 pandemic sa bansa.

Ito ang naging tugon ng pamunuan ng Quiapo Church nang tanungin kung magkakaroon na muli ng Traslacion sa susunod na taon.

Ayon kay Father Earl Valdez, ang tagapagsalita ng Quiapo Church, wala pang plano sa ngayon at wala pa silang napapag-usapan para sa Pista ng Itim na Nazareno sa 2024.

Aniya, ang malinaw lamang ay kung wala na ang pandemya, posibleng ibalik ang Traslacion pero depende ito sa magiging resulta ng usapan at desisyon ng lahat ng stakeholders.

Dagdag pa ni Father Valdez, ang malinaw ay isasama nila sa mga pagbabago sa hinaharap ang lahat ng natutunan sa pagdaraos ng Nazareno 2023. Jocelyn Tabangcura-Domenden