Trauma sa Dengvaxia: Mga magulang, ayaw ipapurga ang mga anak

Trauma sa Dengvaxia: Mga magulang, ayaw ipapurga ang mga anak

July 14, 2018 @ 11:19 AM 4 years ago


Manila, Philippines – Nagmatigas ang mga magulang ng mga estudyante sa pampublikong paaralan na hindi sila papayag na purgahin ang kanilang mga anak dahil sa nananatiling takot kaugnay ng masamang dulot ng Dengvaxia Anti-Dengue vaccines.

Sa report, nabatid iilang bata lamang ang tumugon sa deworming na taon-taong ipinatutupad ng Department of Health sa lahat ng mga siyudad at munisipalidad sa bansa.

Batay sa report ng mga health offices, iilan lamang ang pumayag na mabigyan ng gamot kontra bulate, at napakarami pang tanong ng mga ito bago tuluyang nakumbinsi.

Muli namang siniguro ng DOH na ligtas ang gamot pampurgang ibinigay nila sa mga kabataan.

Nangako silang hindi na mauulit ang trahedyang kaugnay ng Dengvaxia dahil naging mas maingat na sila ngayon. (Nenet L. Villafania)