Travel ban nakatutulong sa pagharang ng Omicron sa Pinas- eksperto

Travel ban nakatutulong sa pagharang ng Omicron sa Pinas- eksperto

December 13, 2021 @ 7:15 PM 10 months ago


MANILA, Philippines- Nakatulong ang agad na pagdeklara ng pamahalaan ng travel ban at pagpapatupad ng border control sa pagpigil sa pagpasok ng Omicron variant ng coronavirus disease sa bansa, ayon sa isang public health advocate.

“Higit na mabilis ngayon [ang pagdeklara ng travel ban]. At bigla na lang rin tayong nagbago ng quarantine [protocols] natin, at nag-ingat ang lahat ng tao,” ani Dr. Anthony “Tony” Leachon sa DZRH nitong Linggo.

Upang maiwasan ang pagpasok ng naturang variant sa Pilipinas, sinabi ni Leachon said thna kailangang bantayan ang  “portals of entry” ng bansa.

“We have to really guard our portals of entry. Yung Wuhan strain natin, ‘yan ay [pumasok] through the backdoor – from Taiwan dumaan siya ng Cebu, Dumaguete, then National Capital Region (NCR),” pahayag niya.

“Sa atin, this holiday season ay maraming uuwi. Maraming returning [Overseas] Filipinos (ROFs) and tourists, siguro kaya naghigpit ngayon ang quarantine natin at naka-impose din ‘yung travel ban natin sa mga red flag areas,“ patuloy pa ni Leachon.

Ipinatupad nitong Disyembre 15 ang travel ban para sa mga biyahero galing sa South Africa, Botswana, Namibia, Zimbabwe, Lesotho, Eswatini, Mozambique, Austria, Czech Republic, Hungary, The Netherlands, Switzerland, Belgium, Italy, France, at Portugal.

Tanging mga Pilipino lamang na kabilang sa bayanihan flights ang pinapayagan, na kailangang sumailalim sa 14-day quarantine period. RNT/SA