Travel ban sa 4 bansa ipatutupad ng BI

Travel ban sa 4 bansa ipatutupad ng BI

September 18, 2021 @ 3:26 PM 4 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – IPINAHAYAG ng Bureau of Immigration (BI) ang pagpapatupad ng “temporary travel ban” ng mga pasahero na magmumula sa apat na bansa na kinabibilangan ng Grenada, Papua New Guinea, Serbia, at Slovenia simula bukas (Setyembre 19).

Batay sa abiso, sinabi ni BI Commissioner Jaime Morente na alinsunod sa resolusyon mula sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) na inaprubahan ng Malakanyang, ang mga pasahero na nagmula o nasa mga nasabing bansa sa loob ng huling 14 na araw. bago ang kanilang pagdating sa Pilipinas, ay pansamantalang hindi papapasukin sa bansa.

Samantala, ang mga kasama sa “Green List” ay ang American Samoa, Burkina Faso, Cameroon, Cayman Islands, Chad, China, Comoros, Republic of the Congo, Djibouti, Equatorial Guinea, Falkland Islands (Malvinas), Gabon, Hong Kong (Special Administrative Region of China), Hungary, Madagascar, Mali, Federated States of Micronesia, Montserrat, New Caledonia, New Zealand, Niger, Northern Mariana Islands, Palau, Poland, Saba (Special Municipality of the Kingdom of Netherlands), Saint Pierre and Miquelon, Sierra Leone, Sint Eustatius, Taiwan, Algeria, Bhutan, Cook Islands, Eritrea, Kiribati, Marshall Islands, Nauru, Nicaragua, Niue, North Korea, Saint Helena, Samoa, Solomon Islands, Sudan, Syria, Tajikstan, Tanzania, Tokelau, Tonga, Turkmenistan, Tuvalu, Vanuatu, at Yemen.

Sinabi naman ni Morente na ang ibang mga bansa na hindi nabanggit ay nasa “Yellow List”.

“Classified under the yellow list are those countries, jurisdictions, and territories that the IATF deem as ‘moderate risk’,” ani Morente.

“Those coming from Green and Yellow countries, if part of allowable classes, may be allowed to enter, subject to quarantine and testing protocols, as implemented by the Bureau of Quarantine (BOQ),” dagdag pa ni Morente.

Nabatid na ipatutupad ang nasabing travel ban simula Setyembre 19, 2021 hanggang Setyembre 30, 2021.

Iginiit naman ni Morente na ang mga dayuhan na nagmula sa “Green” at “Yellow” list ay ay hindi awtomatikong kwalipikado para sa pagpasok sa Pilipinas.

“The general travel restrictions is still in effect. Only Filipinos, balikbayans, and foreigners with valid and existing visas are allowed to enter the Philippines,” ayon kay Morente.

“Tourists remain restricted from entering,” dagdag pa nito. JAY Reyes


  •  
  •  
  •