Travel ban sa 8 bansa ikinasa ng Pinas

Travel ban sa 8 bansa ikinasa ng Pinas

December 15, 2021 @ 2:32 PM 10 months ago


Manila, Philippines – Pinagbawalan na ng Pilipinas ang mga biyahero mula sa walong bansa sa layuning iiwas ang bansa sa matinding mutated Omicron COVID-19 variant.

Epektibo ito mula Disyembre 16 hanggang 31 kung saan ang mga nasa “Red List” ay pagbabawalan na makapasok ng Pilipinas.

Tinukoy naman ni acting Presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles ang mga bansang Andorra, France, Monaco, Northern Mariana Islands, Reunion, San Marino, South Africa at Switzerland.

“The restriction covers everyone who has been to these 8 areas in the last 14 days, regardless of their vaccination status,” ayon kay Nograles.

Tanging ang mga Filipino lamang na magbabalik sa bansa sa pamamagitan ng repatriation efforts at “Bayanihan” flights ang exempted mula sa travel ban.

“To all those who plan to come home during the holidays, we humbly request your patience as we in the IATF continue to make modifications to our protocols. These are all being done in response to evolving situations in the world.”

“We want to keep our people safe, and we will do what is necessary to achieve that,” dagdag na pahayag ni Nograles. Kris Jose