Travel pass ‘di na kailangan sa pagtawid sa NCR Plus, MGCQ areas

Travel pass ‘di na kailangan sa pagtawid sa NCR Plus, MGCQ areas

June 3, 2021 @ 3:36 PM 2 years ago


MANILA, Philippines – Hindi na kailangang kumuha ng travel pass ang mga biyaherong tatawid sa NCR Plus at mga lugar na nasa modified general community quarantine ayon sa Department of the Interior and Local Government (DILG).

“Syempre naalala ng ating mga kababayan ‘yung proseso last year na meron pang mga travel pass. Ngayon po, wala nang mga travel pass requirement,” ani DILG spokesperson Jonathan Malaya sa isang briefing.

“Ang kailangan na lang po alamin ng ating mga kababayan ay kung ano ‘yung pamantayan ng LGU na inyong pupuntahan,” dagdag ng opisyal.

Ito ay matapos payagan ang leisure travel mula Metro Manila, Rizal, Bulacan, Cavite, at Laguna patungong MCGQ areas. RNT/ELM