Travel restrictions sa 7 bansa pinalawig ng IATF

Travel restrictions sa 7 bansa pinalawig ng IATF

July 14, 2021 @ 12:34 PM 1 year ago


Manila, Philippines – INAPRUBAHAN ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang ekstensyon ng travel restrictions sa mga bansang India, Pakistan, Bangladesh, Sri Lanka, Nepal, United Arab Emirates at Oman hanggang Hulyo 31, 2021

Partikular na nilagdaan ang IATF Resolution No. 126.

Inatasan din ng IATF technical working group na muling pag-aralan at magbigay sa mga rekumendasyon sa nararapat na testing at quarantine protocols para sa mga byahero ng mga nasabing bansa at iba pang mga lugar na matutukoy na “high risk”.

Matatandaang pinalawig hanggang Hulyo 15 ang travel ban sa pitong bansa bilang bahagi ng pag-iingat na huwag makapasok sa Pilipinas ang Delta variant ng COVID-19.

Ang mga bansa ay India, Pakistan, Nepal, Bang­ladesh, Sri Lanka, Oman at United Arab Emirates.

Pinaalalahanan naman ni BI Commissioner Jaime Morente ang airline companies na huwag nang magtangkang magsakay ng mga pasahero sa naturang mga bansa upang hindi mapatawan ng kaukulang mga parusa sa ilalim ng umiiral na batas.

Sa mga pasahero naman na ‘fully-vaccinated’ na at buhat sa mga bansang binigyan ng ‘green tag’ ng BI, kailangan muna na sumailalim sila sa pitong araw na quarantine sa mga health facility bago makapasok sa bansa.Ang mga hindi pa nababakunahan ay kailangan pa ring sumailalim sa 10-araw na quarantine sa health facility ng bansa. Kris Jose