Travel risk level ng Pinas, binabaan ng US CDC

Travel risk level ng Pinas, binabaan ng US CDC

April 4, 2022 @ 7:00 AM 3 months ago


MANILA, Philippines – Pinaluwag  na ng US Centers for Disease Control and Prevention (CDC) ang “travel health notice” nito para sa Pilipinas dahil sa patuloy na pagbaba ng bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa, iniulat ng Department of Health (DOH).

Sinabi ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire na ang Pilipinas ay kabilang sa 14 na bansa na ngayon ay “classified under Level 2 Covid-19 moderate” ng US CDC.

Batay sa website nito, ang US CDC ay gumagamit ng mga abiso sa kalusugan sa paglalakbay “to alert travelers and other audiences to health threats around the world and advise on how to protect themselves.”

Ang sistemang ito ay may apat na kategorya o antas para sa COVID-19.

“The US CDC has lowered the risk level for travel to the Philippines, classifying it under Covid-19 Moderate,” dagdag pa ni Vergeire.

“Countries under Level 2 have recorded 50 to 99 new Covid-19 cases per 100,000 people over the past 28 days,” ani Vergeire.

Ang pagbabakuna at pagsunod sa minimum public health standard ay may mahalagang papel sa pagpapababa ng mga kaso, ani Vergeire.

“This can be attributed to the public’s continuous adherence to the minimum health and safety protocols as well as high vaccination rates. We can make this better by getting our boosters,” ani Vergeire.

Ani Vergeire na ang mga kaso ng COVID-19 sa Pilipinas ay “dahan-dahang bumababa” na may average na 364 na kaso bawat araw.

Samantala, nasa 65.9 milyong indibidwal na ang ganap na nabakunahan ng gobyerno. RNT