Traydor na staff, wanted kay Kuya Wil!

Traydor na staff, wanted kay Kuya Wil!

February 24, 2023 @ 4:00 PM 4 weeks ago


Manila, Philippines – May loyalty check daw na isinasagawa si Willie Revilla sa kanyang mga staff ng programa niyang Wowowin.

Ito ang bagong isiniwalat ni Cristy Fermin sa online program niyang Showbiz Now Na.

Ayon kay Cristy, nagsasagawa ng internal investigation ang Wowowin host para matukoy kung bahagi pa rin ba ng produksyon ang tao o mga taong nagtatraydor sa kanya.

Ito raw ang ilang program staff na nagkakalat umano tungkol sa kanyang mga kasiraan.

Labis daw na naaapektuhan si Willie sa mga naglalabasang negatibong balita tungkol sa kanya considering na dapat daw ay internal matter lang ito.

Maaari naman daw kasi ayusin ang anumang problema nang hindi na kailangang i-leak ito sa labas upang mapagpiyestahan.

Dagdag pa ni Cristy, ginawan na raw ito ng aksyon ni Willie sa pamamagitan ng pagtanggal sa ilang staff na napatunayan niyang nagtatraydor sa kanya.

Ang mga ito raw ang mga taong mismong nagkakalat ng mga kasiraan laban sa kanya.

Pilit inaalam ni Willie kung may natitira pa raw bang staff sa produksyon ang tumitira sa kanya nang palihim o patago.

Nagbigay na raw ng babala si Willie sa maaaring mangyari kung sinuman ang staff na mapapatunayan niyang nagba-backbite sa kanya.

Ayon naman sa ilang showbiz kibitzers, mismong si Willie rin naman daw ang nagpapakita ng mga asal na ikasisira niya.

Kadalasan daw, ang walang prenong bibig nito at marahas na pananalita ang nagpapahamak sa kanya.

“Kung may nasasabi mang kasiraan ang staff niya, validation na lang ‘yon,” sabi ng mga taong nakakakilala kay Willie. Ronnie Carrasco III