TRAYDURAN SA TAMPAKAN

TRAYDURAN SA TAMPAKAN

June 2, 2022 @ 10:26 AM 4 weeks ago


ANG Tampakan Copper-Gold Project sa South Cotabato ay isang ginintuang pangarap para sa sinomang minero. Ito raw ang pinakamalaking undeveloped copper-gold minefield sa buong Timog Silangang Asya at kabilang sa pinakamalalaki sa mundo, na tinata-yang nagkakahalaga ng $5.9-billion (nasa P300 bilyon).

Sa pagbabago ng milenyo, inasinta ng Sagittarius Mines, Inc., o SMI, ang panga-rap na ito, nangakong magsasagawa ng ‚Äúresponsableng pagmimina‚ÄĚ kapag nakumpleto na nito ang mga kinakaila-ngang permits. Subalit noong 2010, napurnada ito kasunod ng pagbabawal sa open-pit mining ‚Äď ang paraan na para sa SMI ay pinakamabisa raw upang mamina ang mga mi-neral mula sa proyekto.

At noong Mayo 16, 2022, inapura ng Sangguniang Panlalawigan ng South Cotabato ang pag-apruba ng plenaryo sa pag-amyenda sa Environment Code na awtomatikong magpapawalambisa sa ban sa open-pit mining.

Malinaw na ang ganitong gapangan ay sinadyang maganap pagkatapos ng halalan upang makaiwas sa matin-ding pagkondena at kabi-kabilang kilos-protesta, na malaki ang posibilidad na boy-kotin ang kandidatura ng mga miyembo ng SP na nasa likod nito.

“Nagkaroon ng trayduran dito. Ang kinabukasan ng lalawigan ay pinagpasyahan ngayong umagang ito, sa loob lang ng 15 minuto,‚ÄĚ sabi ni Marbel Bishop Cerilo Casicas.

Sa pahayag na ipinarating sa Firing Line, sinabi ng pro-environment advocacy group na AGHAM: “Mahalagang bigyang-diin na libo-libong residente ang mawawalan ng tirahan, limang malalaking ilog o daluyan ang marurumihan, tuluyang masisira ang natitirang kagubatan sa rehiyon, at hindi bababa sa 33,000 ektar-ya ng palayan sa Koronadal Valley ang maaapektuhan.

‚ÄúImportante ring tandaan na ang mga kritiko sa proyekto ay pinagpapapatay, tinatakot, bianbantaan, ikinukulong, o kaya naman minamasaker, kabilang na ang mga environmentalists at mga aktibista, habang pahirapan ang pagharang na maipasa ang Code at mariing tinututulan ang mapaminsalang proyekto. Kabilang sa mga nabiktima ang masigasig na advocate ng Envi Code na si Eliezer “Boy” Billanes, na nag-lobby nito sa mga naunang lokal na opisyal ng lalawigan,‚ÄĚ dagdag niya.

Bukod dito, tinatayang 2,900 katutubo ang mawa-walan ng lupang minana pa sa kanilang mga ninuno, nasa 800,000 puno ang puputulin, at maglalaho ang endemic flora and fauna sa lugar dahil sa nasa 985,730 ektarya ng watersheds ang posibleng makontamina.  Maging ang mga lehitimong katutubo ng Davao del Sur, Sultan Kudarat, Maguindanao, at and Sarangani ang galit na kumokontra sa development na ito.

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksyon, mag-email sa [email protected] o mag-tweet sa @Side_View.