Traysikel drayber todas sa pamamaril sa Iloilo City

Traysikel drayber todas sa pamamaril sa Iloilo City

May 25, 2020 @ 9:05 AM 2 years ago


Iloilo City – Kamatayan ang sinapit ng isang 44-anyos na tricycle driver sa Jaro, Iloilo City matapos itong barilin ng mga salaring lulan ng motorisklo.

Kinilala ang nasawing si Ricky Jinon.

Nakuhanan sa CCTV ang naganap na insidente kung saan makikitang sinundan siya ng dalawang nakasakay sa motorsiklo habang nakasakay naman sa tricyle ang biktima.

Sapul din sa CCTV ang paglabas ng mga suspek ilang minuto matapos barilin ang biktima sa isang liblib na bahagi ng lugar.

Nagawa pang itakbo si Jinon sa ospital ngunit idineklara rin siyang dead on arrival matapos magtamo ng maraming tama ng bala sa tiyan at dibdib.

Batay sa paunang imbestigasyon, sinasabing may nakaaway ang biktima at isa na ito sa tinitingnang anggulo sa pamamaril.

Nakuha sa pinangyarihan ng insidente ang apat na basyo ng bala ng kalibre .45.

Isinasagawa pa rin ang imbestigasyon. RNT/MM