Treaty para sa nuclear energy isusulong na maratipikahan

Treaty para sa nuclear energy isusulong na maratipikahan

September 7, 2022 @ 7:10 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Isang resolusyon ang ihahanda ng House Special Committee on Nuclear Energy na naglalayong himukin ang Senado na magpasa ng treaty para sa nuclear energy na unang hakbang para buksan ang bansa sa nuclear technology.

Ayon kay House Special Committee on Nuclear Energy Chairman Tarlac Rep Jaime Cojuangco bago umusad ang usapin sa nuclear energy ay dapat magkaroon muna ng bilateral agreement ang Pilipinas sa pagitan ng Estados Unidos.

Tinukoy ni Cojuangco ang Article 123 ng 1954 Atomic Energy Act of America na nagsasagad na maaari lamang makipag diyalogo ang US sa ibang bansa pagdating sa usapin ng nuclear technology kung mayroon itong treaty agreement at bukod sa pagkakaroon ng kasunduan ay dapat din maging “acceptable country” ang Pilipinas para sa ganitong teknolohiya.

Sinabi ni Cojuangco na handa na ang bansa para sa nuclear technology at umaasa syang mamadaliin ng Kongreso ang pagpasok sa treaty upang mapabilis na ang paggamit ng nuclear energy sa bansa.

“I would request this committee to consider that we pass a resolution of the house urging the administration and the senate who will finally ratify these agreements to move expeditiously on this because US technology is good technology and we want to have access to that.” paliwanag ni Cojuangco. Gail Mendoza