Tree planting sa Iloilo, pinasigla vs climate change – Solon

Tree planting sa Iloilo, pinasigla vs climate change – Solon

December 12, 2022 @ 7:43 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Pinasigla ang tree planting activities sa lahat ng lugar sa lalawigan ng Iloilo bilang pangunahing hakbang sa paglaban sa climate change at maprotektahan ang kapaligiran, ayon kay Senador Cyntia Villar.

Sa pahayag, hinikayat ni Villar, chairman ng Senate committee on environment and natural resources, ang publiko na makiisa sa pagtatanim ng puno at pangangalagan ng kapaligiran na may malaking benepisyo sa buhay ng mamamayan.

Bukod sa nagiging maganda ang kapaligiran, binanggit din ni Villar ang komento ng environmentalists sa buong mundo na na mabuti ang mga halaman sa soil and water conservation.

“It helps prevent land erosion, intercept the runoff and reduce the severity of floods, increase wildlife habitat, store carbon dioxide that help in reducing global warming, moderate local climate by providing shade, regulate temperature extremes and improve the land’s capacity to adapt to climate change,” sabi pa Villar base sa pahayag ng environmentalists.

Sa pagtatanim ng agricultural products, iginiit niya na nagbibigay ito ng hanapbuhay sa ating mga magsasaka.

“It also strengthened food security in communities in our country,” sabi pa ng chairperson ng Senate committees on agriculture and food and environment and natural resources.

Kumpiyansa rin siya na pananatilihin ng publiko ang malulusog na punong kahoy at iba pang halaman.

“Let us exert efforts to take care of the plantation, let us not forget to take care of them to ensure they will bring uus benefits,” ayon pa kay Villar.

Bilang masugid na advocate ng kapaligiran at agrikultura, sinabi ng senador na masaya siya na lumahok sa planting activities.

Ang Tree-Planting Activity sa 5th District ng Iloilo ay pinangunahan ni Cong. Boboy Tupas Theme: “Kaupod sa Pag-asenso ang Pag-ulikid sa Duang Manggad” (“Together in our progress is to give care to natural resources,)” ayon kay Villar. Ernie Reyes