Tren humiwalay sa riles, 10 patay, 73 sugatan sa Turkey

Tren humiwalay sa riles, 10 patay, 73 sugatan sa Turkey

July 9, 2018 @ 6:17 PM 4 years ago


Turkey – Sampu katao ang namatay habang 73 ang nasugatan matapos humiwalay sa riles ang isang pampasaherong tren sa timog-kanluran ng Turkey.

Iniulat ng health ministry na kaya ito nangyari ay dahil sa walang tigil na pag-ulan at pagguho ng mga lupa.

Sakay sa tren ang tinatayang 362 pasahero na patungong Istanbul nang humiwalay sa tracks ang trean na may limang coach.

Sinabi ng transport ministry ng nasabing bansa na nadiskaril ang riles dahil sa walang humpay na pag-ulan.

“Our helicopter ambulances have reached the site. Many of those injured have been taken off the site,” ayon kay Mehmet Ceylan.

Nakiramay na si President Tayyip Erdogan sa pamilya ng mga namatayan sa insidente.(Nats Taboy)