Tren ng PNR nadiskaril, byahe apektado

Tren ng PNR nadiskaril, byahe apektado

November 2, 2022 @ 8:31 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Inanunsyo ng Philippine National Railways (PNR) nitong Miyerkules, Nobyembre 2 na apektado ang ilan sa kanilang mga biyahe ngayong araw dahil sa nadiskaril na tren malapit sa Magsaysay Crossing, Sta. Mesa, Manila.

Sa isang tweet, sinabi ng PNR na ang mga apektadong byahe ay mula Tutuban hanggang Alabang, Bicutan, Binan at pabalik.

“Ngayong umaga ng Nobyembe 2, 2022, maaantala (delay) ang byahe ng mga trains dahil sa isang insidente na pagkadiskaril (derailment incident) malapit sa Magsaysay Crossing sa Sta. Mesa.”

Humingi naman ng paumanhin ang pamunuan ng PNR sa mga byaherong maaabala ng nangyaring insidente. RNT/JGC