Tres Barakos, palaban sa pagpapakita ng katawan!

Tres Barakos, palaban sa pagpapakita ng katawan!

March 23, 2022 @ 8:15 PM 3 months ago


MANILA, Philippines – Aktibo muli sa pagtuklas ng bagong talents ang veteranĀ  manager na si JojoVeloso ng Philmoda Talent Management.

Bukod sa alaga niyang si AJ Raval, na no. 1 sexy actress ng Viva Films and VivaMax, may tatlong macho actors pa si Jojo, na hinog na para sa pagbibida.

Tinawag na Tres Barakos, kabilang dito sina Rash Flores, Benz Sangalang and Massimo Scofield. Silang tatlo ang magpapainit ng summer dahil three sexy movies ang kani-kanilang assignment.

Pagdating sa talent discovery, maaasahan si Jojo. Natatandaan ba ninyo sina Ana Capri at Aya Medel? Parehong gumawa ng pangalan sa showbiz ang dalawang sexy actress noon.

Sa lalaki, alaga ni Jojo noon si Allen Dizon.

Samantala, naunang nabigyan ng break si Rash ng Viva. Isa sa mga bida ng Island Of Desire, na idinirek ni Joel Lamangan. Maraming hahangang girl at bading sa kaseksihan ni Rash sa Island of Desire. Okay lang din sa kanya na nagpakita siya ng katawan.

Si Benz namaā€™y bibigyan ng break sa Secrets, at magsisimula na ang lock-in taping sa April 2.

Ididirek naman ito ni veteran megman na si Jose Javier Reyes. Isa sa lead actors, si Benz sa movie.

Nag-start na rin ng shooting si Massimo Scofield kasama si Ayanna Misola sa movie na PUTAJE. Kukunan naman entirely ang project sa Mindoro, under the direction ni Roman Perez Jr.

Nang nakausap namin si Jojo, very positive siya sa tatlong talents niya na may mararating sa showbiz, ang tinagurian na Tres Barakos: Rash, Benz and Massimo. Noel Asinas