TRIAL BY MARITES Part 5 (The Casualties of NISP)

TRIAL BY MARITES Part 5 (The Casualties of NISP)

August 2, 2022 @ 7:20 PM 2 weeks ago


SA kolum na ito, shout out  sa mga bumubuo sa National Inspectorate Scholarship Program (NISP) ng TESDA sa pamumuno ni Emily Q. Tesoro at mga miyembro nito na si Hannah Eunice Z. Grabillo, Mary Angeline I. De Angel at Ramon Nikki R. Ramoso.

Welcome kayo na kontakin kami tungkol sa sandamakmak na reklamong ipinarating sa amin ng maraming tech voc schools tungkol sa mga iligal na pamamaraan ng NISP.

Sana ay ipaliwanag ninyo sa madlang pipol ang legal basis ng inyong mga ginagawa, ang inyong sistema ng operasyon at kung saan nanggagaling ang inyong budget.

Ang iba sa tech voc schools ay naghain na ng reklamo sa pamamagitan ng kanilang position papers at ang iba  ay nasa ibat ibang stages ng mga kasong inihain na o ihahain pa laban sa iligal na pamamaraan ng NISP.

Ang NISP ng TESDA sa panahon ni Secretary Isidro Lapeña  ay nagdulot nang di matawarang pinsala sa tech voc sector.

Dahil sa iligal na pamamaraan nito ng pagkalap ng mga ebidensya laban sa tech voc schools na aming tinalakay sa mga nakaraang kolum, halos 100 tech voc schools na ang naipasara at nagsara.

Kung halimbawa na lang  ang bawat isang school ay magkakaroon ng 3,000 students sa isang taon, that would be at least 300,000 prospective students na na-deprive makapag aral ng libre o training mula sa TESDA at magkaroon ng pagkakataon na baguhin buhay nila.

Sa pagsasaliksik na ginawa namin, ang nagsarang schools ay nalugi at ang mga tauhan nito ay nawalan ng trabaho.

Iyong mga may-ari naman marami ang nagkasakit sa puso, high blood at iba pa dahil sa matinding emotional distress and  gabing hindi makatulog.

Dahil sa militaristic na pamamaraan ng NISP at sa pagsawalang-bahala nito sa ating constitutional rights for due process at sa constitutionally guaranteed na suporta sa edukasyon, ang lugi ay ang taumbayan.. Di lang yan, marami ring opisyales ng TESDA ang natanggal, nagresign o biglang nag-retire dahil sa mga kabalbalang likha ng NISP.

May district directors, provincial directors, regional director at isang deputy director general  ang apektado at pati ang mga matitinong opisyal ng TESDA ay apektado at walang magawa sa nakaraang administrasyon.