TRIAL BY MARITES Part 6 (Qualifications of the Judges)

TRIAL BY MARITES Part 6 (Qualifications of the Judges)

August 9, 2022 @ 4:36 PM 2 months ago


TULAD nang nasabi na sa mga nakaraang column, isang kangaroo trial talaga ang ipinatupad ng
National Inspectorate Scholarship Program (NISP) noong administrasyon ni Secretary Isidro Lapena sa
TESDA. Mantakin mo ba namang ang mga nagpatupad dito ay mga walang relevant qualifications para
mag-imbestiga ng mga technical vocational institutions.

Kasalukuyang binubuo ang NISP ng pinunong si Emily Q. Tesoro at ang mga miyembro nitong
ang kategorya sa TESDA ay job orders at contractual.
Sa pagkakaalam naming, isang accountant si Tesoro na siyang dahilan kung bakit napasara ang
maraming eskuwelahan dahil sa kangaroo investigations na ginawa ng kanyang opisina.

Base sa aming pagsasaliksik, siya ay walang especial training sa TESDA. Wala s’ya kahit anong
specialization or expertise para i-assess ang mga programa ng TESDA dahil bilang accountant, siguro
proficient siya sa pagbibilang ng mga kutsara at tinidor para sa bread and pastry qualifications pero
hanggang doon lamang siguro ang kanyang kakayahan.

Ang nakapanlulumo lang, marami nang napasarang eskuwelahan itong NISP sa pamumuno ni
Tesoro na ang isa sa mga dahilan ay kakulangan umano sa gamit o di pagbili ng gamit o maling paggamit
ng mga equipment, kabilang na mga kutsara at tinidor.

Hindi rin siya abogado o kahit man lang underbar na may paralegal training para maintindihan
ang basic rules of evidence at constitutional rights of the schools and the people behind it. Kung tutuusin
talagang si Tesoro ay involved sa illegal practice of law sa kanyang mga pinaggagawa sa TESDA.

Pati ang ibang wala namang kasalanang TESDA employees at mga opisyal kasama na mga
District Directors, Regional Directors atbp. ay nadadamay dahil sa kabalbalang ito ng NISP.

Ang isang huwes o abogado nga, may minimum requirements para makapag-assume ng isang
opisina – of course, given na yong appropriate educational requirement (i.e. training in law, expertise in
a qualification, age requirement etc.). Mahirap i-justify si Tesoro sa kanyang functions sa NISP at maging
mahirap i-justify yong mga contractual na miyembro ng NISP na mga bagong graduate pa yata.

Alam n’yo ba mga kapatid na ang ganitong sistema ng NISP ay nagdulot sa ng pagkakamali? For
instance, may isang tech-voc school pinadalhan ng demand letter na ang nakalagay ay ‘referring to
alleged violations in Hilot Massage’ pero ang attached supporting document ng sulat ay beauty care?