TRIAL BY MARITES PART III

TRIAL BY MARITES PART III

July 18, 2022 @ 6:48 PM 3 weeks ago


ANG sistemang Marites ay ‘di lang ginagawang institusyon at parte ng buhay sa pag-moni­tor sa mga private Technical Vocational Institutions  ng TESDA sa pamamagitan ng NISP sa panahon ni Secretary Isidro La Pena bagkus ito ay ginawa pang batayan sa hindi pagbibigay ng pondo sa mga kawawang TVI.

Kung baga ang nangyari, hindi lang trial by Marites kundi JUDGMENT BY MARITES na. Halimbawa, ang isang TVI ay nagkaroon ng findings sa pamamagitan ng ganoong sistema ng pagkalap ng impormasyon ng NISP kung saan nanatitiling unidentified  ang mga anila’y testigo at di rin na-authenticate sa korte ang mga dokumento umanong ginamit laban sa mga kawa­wang TVI.

Habang nasa proseso pa ang nasabing imbestigasyon na ginagawa sa isang TVI ( ibig sabihin nasa position paper stage pa lang ito o hinihi­ngan pa ng position paper ang mga TVI o pagkatapos nito habang naka-pending pa for resolution ang mga nasabing kaso kuno na inihabla ng NISP laban sa mga walang kalaban-labang TVI), hindi na usually binibigyan ang isang TVI ng pondo kung saan may findings ang NISP at least doon sa programa or qualifications na meron siyang findings.

Halimbawa, may NISP findings ang Beauty Care na programa ng isang TVI, hindi ito bibigyan ng pondo for that program. Iyan mga kapatid ang nakapanlulumong sistema sa TESDA ngayon na nagpapahirap sa maraming TVIs sa bansa.

 Ang NISP ay maihahalintulad sa isang kangaroo court na siyang naglitis sa umano’y pagkakasala ng napagtripang TVI gamit ang isang sistema ng ebidensya na taliwas sa rule of law at due process at paglilitis na isinagawa ng mga J.O. na mga kontraktual lang na siyang mga imbestigador ng NISP at iba pang mga staff na nasa NISP na wala man lang formal training sa pagka­lap ng ebidensya at maging sa rudiments of legal documentation.

Kung baga, wala nang presumption of innocence until proven guilty. Dahil sa kabalbalang ito ng NISP nawala ang constitutional presumption of innocence dahil basta may findings at kahit wala pang final judgement against a particular TVI, hindi na ito bibig­yan ng pondo para sa programang may ginagawang im­bestigasyon.

Ang ginagawa kasi ng mga nasa NISP partakes of the practice of law kung saan di naman trained ang NISP JOs at OJTs. Kung baga NISP is engaged and is abetting   ILLEGAL PRACTICE OF LAW.

Lately, ang narinig na­min  ay nag-hire ang TESDA ng maraming abogado para i-review ang ginagawa ng mga JOs at contractual na ito. Pero, the fact still remains na ang gumagawa ng imbestigas­yon ay ang JOs at OJTs na ito. Ang isang kahindik-hindik na manipestasyon ng mga ginagawang imbestigasyon na ito ng mga JO at contractual na ito na wala man lang yatang katititing na training sa court documentation at evidence ay ang mali-maling demand letters na ipinapadala sa mga TVI.

Ang halimbawa ng kapalpakang ito na maliwanag pa sa sikat ng araw ay kunwari ang isang TVI ay inaakusahan sa kanyang Hilot Wellness Massage program pero ang attachment ay para sa Beauty Care or vice versa. Ito na talaga ang perpektong ehemplo ng kasabihang “A little knowledge is dangerous.”

Kaya po sa ngayon, ang mithiin po talaga ng maraming TVI sa bansa ay BUWAGIN NA ANG NISP AT ITAPON SA BASURAHAN ANG LAHAT NG MGA BULOK NA SISTEMA NA IPINALAGANAP NITO. Ito po ay nakasisira sa pangalan ng TESDA at sa maraming opisyales ng TESDA mula sa mga masisipag at magagaling na DDGs, Regio­nal Directors at District Directors at kanilang respective staff na wala rin pong magawa dahil mismong si Secretary La Pena po ang nagpapadala ng demand letter sa mga kawa­wang TVI na napagtripan ng mga walang K na miyembro ng NISP kung saan ang mga nasabing demand letter ay may nakalagay na standard na pananakot – na kung di magsumite sa requirement ng NISP, ang mga nasabing TVI ay kanyang ipasasara – isang threat na nagpahirap na, nagpatigil, nagpalugi, and/or nagpasara sa maraming TVI sa bansa.