Trial courts sa 6 lugar na nadagdag sa Alert Level 3, pisikal na sarado – SC

Trial courts sa 6 lugar na nadagdag sa Alert Level 3, pisikal na sarado – SC

January 28, 2022 @ 12:19 PM 8 months ago


MANILA, Philippines – Pisikal na sarado ang mga trial court sa anim na lugar na nadagdag sa isinailalim sa COVID-19 Alert Level 3 are simula Enero 28 hanggang Pebrero 15.

Kabilang dito ang mga lugar na Palawan, Camiguin, Davao Occidental, Dinagat Islands, Tawi-Tawi, at Sulu.

Ipinalabas ni Deputy Court Administrator Raul Bautista Villanueva ang nasabing kautusan na inawtorisahan naman ni Chief Justice Alexander G. Gesmundo.

Kahit na pisikal na sarado, ang nasabing mga trial court judges ay inaatasan pa ring magsagawa ng pagdinig at court proceeding sa pamamagitan ng video conferencing sa mga importante at urgent na bagay tulad ng “petitions for bail, promulgation of decisions whether conviction or acquittal, pleas for habeas corpus, or cases involving violence against women and children, among other cases.”

Matatandaan una nang sinarado nang pisikal ang mga trial court sa National Capital Region (NCR), Cavite, Laguna, Bulacan and Rizal na nakasailalim din sa Alert Level 3 – na tatagal naman hanggang Enero 31. RNT