Triathletes Casares, Remolino nasungkit ang gold-silver finish sa SEA Games

Triathletes Casares, Remolino nasungkit ang gold-silver finish sa SEA Games

May 14, 2022 @ 12:58 PM 2 weeks ago


HANOI, Vietnam – Nagawang depensahan nina triathletes Fernando Casares at Kim Remolino ang kanilang gold-silver finish sa nagpapatuloy na 31st Southeast Asian Games.

Naibulsa ni Fernando Casares ang gintong medalya makaraang magtapos sa oras na 01:56.570 sa men’s individual triathlon na sinundan ng kapwa Pinoy athlete na si Remolino na natapos sa 01:59.160.

Wagi naman ng bronze medal si Ronald Setiawan Bintang ng Indonesia.

Base sa website ng SEA Games, nakasungkit na ang Pilipinas ng anim na gold, 13 silvers, at 11 bronze medals. RNT/ JCM