Tribung Dumagat may pamasko kay VP Sara

Tribung Dumagat may pamasko kay VP Sara

December 19, 2022 @ 9:53 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – NAG-IKOT si Vice President Sara Duterte sa lalawigan ng Luzon para sa kanyang “Balik Pasasalamat” program ngayong Kapaskuhan.

Bitbit ni Duterte ang kanyang mga regalo para sa Dumagat tribe sa Bulacan, araw ng Linggo, Disyembre 18.

Sa diwa ng pagbabahagi at pagbibigyan ngayong Kapaskuhan, bumalik si Duterte sa Barangay Kalawakan—kahalintulad na barangay na binisita niya noong panahon ng campaign period para mamigay ng 400 “Pamasko packs” sa mga residente.

Ang Pamasko packs ay naglalaman ng bigas at canned goods.

Tuwang-tuwa naman ang mga residente nang balikan sila ni Duterte .

Ibig sabihin ay hindi lamang sa kampanya nakarating sa nasabing lugar si Duterte kundi ngayong nakaupo na siya bilang pangalawang Pangulo ng bansa.

Labis na ikinatuwa ng Dumagat tribe ang muling pagbisita sa kanilang lugar ni Duterte. Kris Jose