Tricycle driver patay habang bumibili ng tubig

Tricycle driver patay habang bumibili ng tubig

August 17, 2022 @ 10:00 AM 2 months ago


LUCENA CITY- Sabog ang bungo ng isang tricycle driver makaraan barilin ito sa ulo ng hindi pa kilalang suspek habang ang una ay bumibili ng tubig noong Lunes sa lungsod na ito.

Kinilala ang biktimang si Michael Putian Abonita, nasa hustong gulang at residente ng Brgy. Talao-talao, Lucena City.

Batay sa report ng Lucena Police Station, naganap ang krimen gabi sa Purok 7 Barangay Dalahican ng nasabing lungsod.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya, minamaneho ng biktima ang kanyang tricycle at huminto ito sa tapat ng bahay ng isang Roberto Glifonea Leona para bumili ng tubig.

Pagbaba ng biktima sa kanyang tricycle bigla na lamang sumulpot ang suspek at binaril sa ulo si Abonita na naging sanhi ng agaran nitong kamatayan.

Matapos ang krimen mabilis na tumakas ang suspek sa direksyon ng ng Mayao Crossing.

Sa pagresponde ng mga pulis sa lugar ng pinangyarihan ng krimen nakapulot sila ng 3 basyo sa hindi pa mabatid na kalibre ng armas.

Inaalam na ng mga awtoridad ang tunay na motibo sa krimen at pagkakakilanlan sa suspek para sa agaran ikadarakip. Mary Anne Sapico