Tricycle driver timbog sa P170K shabu sa Valenzuela

Tricycle driver timbog sa P170K shabu sa Valenzuela

March 10, 2023 @ 12:07 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Swak sa selda ang isang tricycle driver na sideline diumano ang magbenta ng iligal na droga matapos makuhanan ng mahigit P.1 milyong halaga ng umano’y shabu matapos ang isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Valenzuela City.

Kinilala ni Valenzuela City Police chief P/Col. Salvador Destura Jr, ang naarestong suspek na si Allan Santos, 45, residente ng Santos Compd. Bukid, Brgy. Malinta.

Dakong alas-3 ng madaling nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Valenzuela Police sa pangunguna ni P/Capt. Joel Madregalejo ng buy-bust operation sa M H Del Pilar, Brgy. Malanday matapos ang natanggap na impormasyon na nagbebenta umano ng shabu ang suspek.

Agad na inaresto ang suspek ng mga tauhan ng SDEU matapos nitong bentahan ng P8,500 halaga ng shabu ang isang pulis na nagsilbing poseur buyer.

Base kay PSSg Ana Liza Antonio, nakumpiska sa suspek ang humigit-kumulang 25 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P170,000, buy bust money isang genuine P500 peso bill, dalawang P1,000 pesos at 12 pirasong P500 pesos boodle money, P200 pesos, cellphone at isang motorsiklo.

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. R.A Marquez