Trike drayber, binaunan ng bala

Trike drayber, binaunan ng bala

April 11, 2019 @ 4:13 PM 3 years ago

Rizal – Todas ang isang tricycle driver makaraang pagbabarilin ng suspek habang sakay ng kanyang tricycle sa Taytay, Miyerkoles ng hapon.

Kinilala ni Rizal Police Provincial Director,  P/Col. Lou Evangelista ang biktima na si Derwin Macaraig, 34-anyos, residente ng Bernardino Compound, Meralco Village, Barangay San Juan, Taytay.

Batay sa ulat ng Taytay Municipal Police Station, dakong 2:00 ng hapon, nang pagbabarilin ng hindi kilalang suspek sa tapat ng isang kilalang supermarket sa Tanchoco Street, sa Barangay San Juan, Taytay.

Sa salaysay ng saksing buko vendor, habang sakay ng kanyang tricycle ang biktima, at namamasada, ay bigla na lamang ito nilapitan ng suspek at pinaulanan ng putok ng suspek at nang masiguro na wala ng buhay ang kanyang target ay kaagad na tumakas.

Palaisipan pa na man sa mga awtoridad ang motibo ng pamamaslang dahil may isang taon pa lamang umanong naninirahan sa kanilang lugar ang biktima, na dating driver ng isang Korean national, at may isang buwan pa lamang din umano nang maging miyembro ito ng Tricycle Drivers Association doon.

Tiniyak naman ng pulisya na masusi nilang iimbestigahan ang krimen para sa agaran nitong ikareresolba.

Humingi na rin naman sila ng kopya ng CCTV footages sa lugar sa pagbabaka-sakaling makatulong upang matukoy kung sino ang salarin sa pagpatay. Toto Nabaja