Trike drayber utas sa pasahero

Trike drayber utas sa pasahero

October 28, 2022 @ 8:27 AM 1 month ago


LANAO DEL NORTE – Patay ang isang tricycle driver nang pagbabarilin ng kanyang pasahero sa Purok 2, Barangay Rebe, Lala.

Kinilala ng Lala Police ang biktima na si Maristel Almojalias y Torompido, lalaki, binata, at residente ng Purok-4, Brgy. Poblacion, sa Salvador, Lanao del Norte.

Patungo ang biktima at suspek na kanyang pasahero sa Maranding, at pagdating sa Purok 2, dalawang beses na binaril ng suspek ang driver gamit ang hindi pa mabatid na kalibre.

Agad namang tumalon ang suspek habang ang biktima ay nakapagmaneho pa at humingi ng saklolo.

Rumesponde ang mga tauhan ng Salvador Municipal Police Station sa pangunguna ni PCMS John Eric C Reblinca at agad na dinala si Almojalias sa Kapatagan Provincial Hospital ngunit idineklara itong dead on arrival.

Nagpapatuloy pa rin ang hot pursuit operation para matukoy at mahuli ang salarin. Inaalam pa ang motibo sa pagpatay. RNT