Trike driver naputulan ng binti; 10 sugatan sa salpukan ng 3 sasakyan

Trike driver naputulan ng binti; 10 sugatan sa salpukan ng 3 sasakyan

September 11, 2022 @ 11:30 AM 3 weeks ago


CEBU CITY, Philippines- Naiulat na naputulan ng binti ang tricycle driver habang 10 ang sugatan sa multi-vehicle smashup sa kahabaan ng P. Rodriguez Street, sa tapat ng Lapu-Lapu City Central Elementary School nitong Sabado.

Sa social media post, ibinahagi ni Nagiel Bañacia, pinuno ng City Disaster Risk Reduction and Management Office, na dalawa sa mga sugatang indibidwal ang nagtamo ng bone fractures. Ang walong iba pa ay nagtamo ng head injuries at contusions.

Sinabi ni Bañacia na naganap ang aksidente bandang ala-1:45 nitong Sabado kung saan isang sedan, tricycle, at passenger multicab ang nagkabanggaan.

Dinala ang mga sugatan sa Lapu-Lapu City Hospital at isang private hospital sa lungsod para sa agarang medical care.

Idinagdag ni Bañacia na naganap ang insidente matapo bumangga umano ang sedan sa isang tricycle at passenger multicab. Patuloy umano ang imbestigasyon sa pangyayari.

“Traffic investigators are conducting further investigation to check if the driver of the sedan was asleep causing him to counterflow and collide head-on with the other two vehicles,” saad sa post ni Bañacia. RNT/SA