Trike driver tinepok sa dilim

Trike driver tinepok sa dilim

November 28, 2022 @ 12:10 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Patay ang isang tricycle driver nang pagbabarilin ng magkaangkas sa motorsiklo sa Caloocan Linggo ng gabi.

Agad nagkikisay si Jesus Gualves Jr., 44, habang nakatakas naman ang salarin, ng Barangay 176, Bagong Silang, ng lungsod.

Nabatid, minamaneho ng biktima ang kanyang tricycle sa Phase 5, Package 3, Barangay 176, dakong alas-7:30 ng gabi nang barilin sa likod ng ulo ng mga suspek.

Apat na basyo ng bala ng 9 mm ang narekober sa pinangyarihan ng insidente, habang dinala ang mga labi ng biktima sa Jenne Funeral Homes para ma-awtopsiya. Merly Iral