Trike drivers, bibigyan na rin ng fuel subsidy

Trike drivers, bibigyan na rin ng fuel subsidy

July 5, 2022 @ 6:51 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Isasali na rin sa mabibigyan ng fuel subsidy mula sa gobyerno ang mga tricycle drivers na apektado rin ng walang-prenong taas-presyo sa langis.

“We just discussed that we are going to try, not only to continue the fuel subsidies for the transport sector but to expand it to include the tricycles which up to now have not been included,” pahayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa isang press briefing.

Ayon kay Marcos, natalakay nila sa Cabinet meeting kaninang umaga ang pagpopondo para sa karagdagang fuel subsidies.

“We talked about it in the Cabinet meeting. We talked about the funding, where it can come from, and how we are going to manage the funding for the additional fuel subsidies,” aniya.

“We have enough budget I think to last for most of this year and a little bit beyond. But we still have to find that money if we are going to continue,” dagdag ng pangulo.

Matatandaang sinabi kamakailan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), na ipamamahagi nila ang second tranche ng fuel subsidy sa mga tsuper at operators ng public utility vehicles ngayong buwan na nagkakahalaga ng P5 billion.

Samantala, para makaagapay sa mga pasahero, pinalawig pa ng pamahalaan nag libreng sakay sa EDSA Bus Carousel hanggang sa katapusan ng Disyembre ngayong taon.

Habang magiging libre ulit ang pamasahe para sa mga estudyante sa MRT-3, LRT-2 at Philippine National Railways o PNR pagsapit ng pasukan sa Agosto na tatagal hanggang sa Nobyembre. RNT/ JCM