Trillanes, hindi nagrereklamo sa security pullout

Trillanes, hindi nagrereklamo sa security pullout

July 16, 2018 @ 9:29 AM 5 years ago


 

Manila, Philippines – Nilinaw ni Senator Antonio Trillanes IV na hindi siya nagrereklamo sa ginawang pagtanggal ng kaniyang security escorts ng Philippine National Police and Armed Forces of the Philippines.

Sinabi ni Trillanes na nakapaghain na siya ng letter sa pulis at militar upang rekonsiderahin ang pagtatanggal ng kaniyang security escorts na epektibo lamang sa katapusan ng june.

“Just to be clear, i never complained about the pullout of my gov’t security detail. I can always adjust to the situation. It was merely raised as a public concern in social media and i was asked by the media to confirm the matter,” sabi niya sa statement.

“Both the PNP and AFP security detail have been pulled out effective end of June. My letters for reconsideration addressed to both the PNP and AFP are still pending,” dagdag pa ni Trillanes.

Bukod pa rito, sinabi rin ng senador na hindi talaga siya binigyan ng senado ng security detail.

Nauna rito, sinabi ng PNP na hinatak nila ang mga security ni Trillanes dahil nire-review nito ang deployment ng mga officer upang palawakin ang paggamit ng human resources.

Samantala, ang AFP naman ay nagsabi sa statement na tinanggal nila ang mga sundalo na nagsisilbi kay Trillanes dahil ang duty nila sa senador ay tapos na. (Remate News Team)