Trillanes, naging matagumpay na negosyador sa China sa WPS

Trillanes, naging matagumpay na negosyador sa China sa WPS

August 10, 2018 @ 6:30 PM 5 years ago


 

Manila, Philippines – Pinalagan ni Senator Antonio Trillanes IV si Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano sa pahayag niya na nagsinungaling siya at sinabotahe ang kinabukasan ng bansa dahil sa pagiging negosyador niya sa China noong panahon ng Aquino administration.

Pinabulaanan niya ang akusasyon na siya ang naging daan kaya tuluyang nawalan ng kontrol ang Pilipinas sa West Philippine Sea.

Paliwanag ni Trillanes, dahil sa pagiging negosyador niya sa China ay napababa mula sa 3 barko ang noon ay 80 hanggang 100 na Chinese vessels sa nangyaring Panatag shoal standoff noong 2012.

Matatandaang nag-umpisa ang sagutan ng senador sa ‘open letter’ ni Secretary Cayetano kay dating Pangulong Aquino. Remate News Team