Trillanes, pinalawig ang benepisyo ng mga retiradong OSG official

Trillanes, pinalawig ang benepisyo ng mga retiradong OSG official

October 9, 2018 @ 5:20 PM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Inaprubahan ng Senado sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang batas na magbibigay ng survivorship benefits sa pamilya ng mga opisal ng Office of the Solicitor General (OSG).

Sa pahayag, sinabi ng author ng batas na si Senador Antonio Trillanes IV, chairman ng Senate Committee on Civil Service, Government Reorganization and Professional Regulation, na layunin ng Senate Bill No. 453 na itaas ang antas ng retirement benefits ng mga OSG officials.

“These benefits are intended to recognize and honor members of the Office of the Solicitor General, many of whom have rendered decades, if not a lifetime, of service to our people, and, hopefully, assist their family members who will be left behind in their passing,” ayon kay Trillanes.

Inaprubahan ang panukala na may botong 20 pumabor, walang komontra at walang hindi bomoto o nag-abstain.

Sinabi ni Trillanes na nakapaloob sa panukala na matatanggap ng surviving “legitimate spouse o dependent children ang survivorship benefits ng namayapang Solicitor General,  Assistant Solicitor General, Senior State Solicitor, o State Solicitor of the Office of the Solicitor General.

“The above-mentioned immediate family members shall be entitled to receive, on a monthly basis, all the retirement benefits due to the OSG official at the time of death under the provisions of the applicable retirement laws then in force,” he saiayon kay Trillanes.

Idinagdag pa niya na patuloy na makatatanggap ng retirement benefits ang mga dependents hanggat hindi nag-aasawa ang kabiyak o kung nagpakasal ang anak o umabot sa legal na edad.

Aniya, layunin din ng panukala na tugunan ang kakulangan sa batas.

“Magkatumbas na ranggo ang OSG officials sa miyembro ng Hudikatura kaya dapat bigyan din sila ng katulad nga allowances at benepisyo. Sa ilalim ng RA 9417, may survivorship benefits ang mga opisyal ng Hudikatura, ngunit wala sa mga opisyal ng OSG,” ayon kay Trillanes.

“It is just right that these OSG officials must be afforded the same benefits being received by the members of the judiciary, as a way of recognizing the efforts and sacrifices they have rendered to the government and to our people, ” aniya. Ernie Reyes