Trillanes pinayagan ng CA na bumyaheng US, Singapore

Trillanes pinayagan ng CA na bumyaheng US, Singapore

August 29, 2022 @ 10:54 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Pinayagan ng Court of Appeals si dating senador Antonio Trillanes IV na bumiyahe sa Singapore at sa Estados Unidos mula Agosto 28 hanggang Setyembre 22.

Pupunta si Trillanes sa nasabing mga bansa para dumalo ng mga kurso sa Lee Kuan Yew School of Public Policy sa National University of Singapore, at sa Kennedy School of Government, Harvard University sa US.

Ang nasabing desisyon ng CA ay bunsod na rin ng nakataas na hold departure order (HDO) na iniatas ng Makati City regional trial court laban kay Trillanes kaugnay ng kasong libelo na kinakaharap nito.

Sa isang resolusyon na nilagdaan nina Associate Justices Michael Ong, Marlene Gonzalez-Sison at Gabriel Robeniol, sinabi ng Korte Suprema na kumbinsido ito na si Trillanes ay hindi flight-risk.

Pinaalalahanan din ng CA si Trillanes na bumalik ng bansa sa napagkasunduang petsa.

Pinaglagak naman ang dating senador ng P100,000 cash bond sa kanyang pag-alis. RNT