Trillanes, tinawag na gimik lang ang dayalogo sa simbahan

Trillanes, tinawag na gimik lang ang dayalogo sa simbahan

June 28, 2018 @ 1:06 PM 4 years ago


Manila, Philippines – Muli na naming bumanat si Senator Antonio Trillanes IV kaugnay sa naging kontrobersiyal na pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte.]

“The issue is not about Duterte’s freedom of expression or his freedom to choose his faith. The issue is about Duterte’s gross disrespect and mockery of the Filipino Christians’ faith,” saad nito sa isang pahayag.

Pinatutungkulan ni Trillanes ang tila depensa raw ng Malacañang sa mga salitang binitawan ng pangulo.

Muli rin nitong iginiit na dapat mag-public apology ang pangulo kaugnay nito.

“Duterte created this mess, unprovoked. For that, he needs to publicly apologize with total sincerity,” ani Trillanes.

“It is simply indefensible. Duterte and his propaganda team must not be allowed to spin or twist this issue,” dagdag pa ng senador.

Bukod dito, tinawag nitong gimmick lang ang dayalogo ng administrasyon sa simbahan at iba pang religious groups, “it will not mitigate the offense or assuage the offended emotions of the people.”

Nauna nang nanawagan si Bro. Eddie Villanueva ng Philippine for Jesus Movement ng public apology mula sa pangulo at kapatawaran din sa Diyos.

Pero, isinawalangbahala naman ito ni Presidential spokesperson Sec. Harry Roque at sinabing may kanya-kanya tayong paniniwala at gayundin ang pangulo. (Remate News Team)