Trina, nag-flex ng pagsundo’t hatid ni Carlo kay Mithi!

Trina, nag-flex ng pagsundo’t hatid ni Carlo kay Mithi!

February 10, 2022 @ 3:43 PM 8 months ago


Manila, Philippines – “Ipinapahiram” na ni Trina Candaza, 25, ang kanyang anak sa ama nitong si Carlo Aquino, 36.

Actually, ang salitang ginamit ni Trina sa vlog n’ya ilang araw lang ang nakaraan ay: “Hihiramin muna.”

Ang nauna nang balita ay nilayasan ni Trina si Carlo. Hinakot ang mga gamit n’ya sa bahay na pinagli-live-in-an nila ng aktor. Siyempre pa, isinama ng ina ang kanilang anak na si Mithi na one year old pa lang. Lumipat silang mag-ina sa isang condo unit.

Sa simula ng video, makikita si Trina na nakikipaglaro kay Mithi pagkagising sa umaga. Biglang babanggitin ni Trina ang isang bagay na mangyayari nu’ng araw na ‘yon.

“Today, susunduin si Mithi ng daddy niya. Hihiramin muna siya,” deklara ni Trina.

Makalipas ang ilang saglit, makikita ang mag-ina na bumaba mula sa kanilang condo unit papunta sa lobby.

Caption ni Trina: “Her dad is waiting at the lobby na.”

Sa sumunod na eksena, Trina was back in condo unit.

“So, ayun, binaba ko na si Mithi. Pinick-up siya ni Carlo, ni Papa niya. Hiniram muna siya.”

Ipinaliwanag ni Trina na pagtutuunan niya sa araw na iyon ang paggawa ng videos para sa collaboration niya sa product brands. Isa siyang media influencer.

“Mamaya, uuwi rin si Mithi sa akin,” sambit niya.

Matapos mag-shoot, naglinis ng condo unit si Trina at inaliw ang sarili sa pamamagitan ng panonood ng TV.

Pagsapit ng gabi ay inihatid si Mithi at kanyang yaya ng isang lalaking naka-face mask at naka-baseball cap. At malamang na si Carlo ‘yon

Ibig sabihin, hiwalay na talaga sina Trina at  Carlo at may co-parenting arrangement na sila para sa anak nila. Danny Vibas