Tripartite agreement sa paghahanap ng petroleum sa SCS, labag sa batas – SC

Tripartite agreement sa paghahanap ng petroleum sa SCS, labag sa batas – SC

January 10, 2023 @ 6:30 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Sa botong 12-2-1 pinawalang bisa ng Supreme Court ang Joint Marine Seismic Undertaking (JMSU) sa pagitan ng Pilipinas, China, at Vietnam.

Sa desisyon ng Supreme Court En Banc, labag sa batas ang nabanggit na tripartite agreement dahil pinayagan nito na lumahok ang 100% na foreign corporations para sa exploration ng natural resources ng Pilipinas ng hindi tumatalima sa safeguards na inilaan ng 1987 Constitution.

Ang JMSU ay isang kasunduan sa pagitan ng Philippine National Oil Company, China National Offshore Oil Corp., at Vietnam Oil Gas Corp. kaugnay sa oil explorations sa West Philippine Sea na sumasaklaw sa 142,886 square kilometers.

Nakasaad sa isang clause sa kasunduan ang pagsasagawa ng joint research kung may petroleum sa naturang lugar.

Ayon sa SC malinaw na nilabag ng JMSU ang sec 2 article XII ng konstitusyon na ang mga exploration, development at utilization ng natural resources ay dapat nasa ilalim ng kontrol at pangangasiwa ng estado.

Nag ugat ang kaso sa inihaing petition for certiorari and prohibition nina dating Bayan Muna partylist Representatives Satur Ocampo at Teddy Casino. Teresa Tavares